habing salita, diwang malaya

Author: Ferdie L. Eusebio

Samo’t Dalangin

Samo’t Dalangin

Parang may anino ng duda sa laylayan ng mga ulap, isang umagang gumising akong may kakaibang katiyakan at pag-asa. Di ko mawari kung sisikat ba o hindi ang araw sa likuran nila.   Habang ako’y matapat na nag-alay ng pinagtagni-tagning bersong umalingawngaw lamang sa kawalan […]

Ang Pag-ibig ay Tokhang

Ang Pag-ibig ay Tokhang

Ang puso kong adik sa ‘yong pagmamahal Nakitang duguan sa isang lansangan. Nang mayro’ng magtanong kung anong dahilan: “Sa halip sumuko, piniling lumaban.”   Public Domain Image Bloody Heart Ferdie L. EusebioMusikero, makata, mangingibig, at driver; si Ferdie Eusebio ay isinilang at nagkukuta sa Los Baños, […]

Imahen

Imahen

‘Di na n’ya kilala ang mukhang kausap at kanyang kaharap

Kasinglabo na rin ng lumang salamin ang matang mapungay;

‘Di na n’ya aninag ang mga imaheng minsan n’yang ginagap.

 

Maging ang pisngi n’yang maganda’t makinis; pirmi ring bumagsak

Gan’un din ang noong kulubot na batbat ng linyang pahalang;

‘Di na n’ya kilala ang mukhang kausap at kanyang kaharap.

 

Ganyan ang ligalig na dulot sa isip ng kanyang pag-usad

Sa andar ng oras, ‘di s’ya nakaligtas kahit sinubukan;

‘Di na n’ya aninag ang mga imaheng minsan n’yang ginagap.

 

Kung kaya palihim ang kanyang pagpahid sa mukha ng makeup

At tina sa ubang bakas na iniwan ng taong nagdaan;

‘Di na n’ya kilala ang mukhang kausap at kanyang kaharap.

 

Sabay ding inayos ang gusot ng balat sa lotion at sunblock

Upang ‘di mabunyag ang pangit na markang dapat ay lihim lang;

‘Di na n’ya aninag ang mga imaheng minsan n’yang ginagap.

 

At ito ang lunas sa bagsik ng sumpang kanyang dinaranas

Mapigil n’ya lamang ang nais mangyari ng Poong Maykapal;

‘Di na n’ya kilala ang mukhang kausap at kanyang kaharap

‘Di na n’ya aninag ang mga imaheng minsan n’yang ginagap.

 

Public Domain Image Old Woman at the Mirror by Bernardo Strozzi

Musikero, makata, mangingibig, at driver; si Ferdie Eusebio ay isinilang at nagkukuta sa Los Baños, Laguna. Kasalukuyang online writer para sa sandamakmak na business websites sa loob at labas ng Pilipinas. Siya rin ang Editor ng ExpertContentWritersTeam – isang pangkat ng mga freelance writers. Siya rin ay kasalukuyang kasapi ng KATAGA-Online. Kapag may oras ay muli siyang nagbabalik sa pag-compose ng mga kanta.

Bakunawa

Bakunawa

Nilamon ng serpiyente ang buwang kadluan ng laksa-laksang alaala. Bolang tanglaw sa gabing mapanglaw   Ay ngayo’y pulang pula. Nababad sa dugo ang pinaslang na musa sa kalangitan. Walang natira sa Bathaluman kundi bungo   Na sa halip maluoy ay lalong namukadkad. Umawit ng ponebre […]

Ang Bunga

Ang Bunga

At nalaglag na nga ang bunga sa lupa nang yugyugin ng hangin ang punong malilim.   Ang bungang pumatak ay ‘di agad nabiyak. Nang aking lapitan at usisain ang laman: natagpuan kong bulok – kahit hilaw ay may uod.   Habang ang isang natira sa […]

Lurok

Lurok

Kung ang batong kaytigas

Sa ambon naaagnas

Paano kung mababad

Sa buhos na kaylakas?

 

Di ba’t kahit ang ulap

Sa sintang alapaap

Ay dagling naiiyak

‘Pag damdami’y bumigat?

 

Maging ilat at ilog

Saglit ring natutuyot

‘Pag nagtampo ang agos

Nitong bukal na nagdulot.

 

Katulad nga ng buhos

Ng ulan ang pagsubok;

Kung tikatik, magtaklob

Pagkat mamaya’y lurok!

 

Public Domain Image Rainshower

Musikero, makata, mangingibig, at driver; si Ferdie Eusebio ay isinilang at nagkukuta sa Los Baños, Laguna. Kasalukuyang online writer para sa sandamakmak na business websites sa loob at labas ng Pilipinas. Siya rin ang Editor ng ExpertContentWritersTeam – isang pangkat ng mga freelance writers. Siya rin ay kasalukuyang kasapi ng KATAGA-Online. Kapag may oras ay muli siyang nagbabalik sa pag-compose ng mga kanta.


error: For Copyright Protection, we have disabled right-clicking on this page. If you want a copy of this work, please visit our Libreng Download page. Thank you!