habing salita, diwang malaya

Tag: pag-ibig

Nawawala

Nawawala

Sa tuwing nadaragdagan Ang puwang sa ating pagitan, Lagi’t laging may nawawala Sa aking mga piraso Dulot ng pangungulila.   Nawawala ang aking mga matang Nasasabik na makita Ang tamis ng iyong ngiti. Hinahanap ko ito sa mga lugar Na sinusubukan kong mamalagi. Ngunit wala […]

Pag-iisa (Eklipse)

Pag-iisa (Eklipse)

Ang bawat gabi ay dalamhati ng araw Dahil sa buwang minsan lang dumalaw Sa tagal ng kanilang ‘di pagkikita Ang mundo’y muntik nang mawalan ng pag-asa Ang buwang namimighati Ay may pagnanasang sumisidhi At kung may pagkakataong sandaling Sa araw ay humalik… siya’y magmamadali Kahit […]

Paghihiwalay

Paghihiwalay

Ang paghihiwalay Ay parang paggapas sa uhay Na binungkos-bungkos Ng mga Dakilang Kamay At kapag tabas na ang tangkay Maiiwan ang pinag-ugatan Upang matuyo’t mabulok Sa bitak na lupang Kanilang pinagsamahan   Kagaya din ito Kung paano nagiging bigas Ang gintong butil ng palay – […]

Alon

Alon

Giliw, tularan natin ang alon; Hinahagka’t hinahagod Ang dalampasigang Inuugoy ng daluyong. Kapag ang dagat ay hinahon Doon tayo lumusong At saka sisirin ang pusod Ng hiwagang nakahimlay. At kagaya pa rin Ng mahinhing alon; Ating itulak-kabigin Ang damdaming naglalangoy At nagtatampisaw sa baybayin Ng […]

Senyas

Senyas

Pinagmamasdan ko ang bawat galaw Ng iyong bibig pati na rin katawan Baka sakaling aking maunawaan Kung anong nais mong ikumpisal. Nagtatanong ka sa sarili marahil Kung ang tinig ko’y malambing Hindi ko na lamang sasabihin Pagkat ako’y sadyang mahiyain. Ibig mo bang ako’y mapakilig? […]