Ang K’wento ni T’nalie*

Ang K’wento ni T’nalie*

Para sa mga nakipanuluyan sa akin, isa lamang akong silungan — isang kahon na may bubong, pinto at bintana. Lahat sila’y nagdaan lang na parang hangin. Kaybilis… ni wala akong pagkakataong sila’y kilalanin.   Pero, kahit mabilis silang nagdaan sa aking silong, kayrami ko namang naobserbahan…

Sa Aking Rocketship (Isang Haibun)

Sa Aking Rocketship (Isang Haibun)

Isang rocket ship ang project namin sa Science. Gawa ito sa isang malaking plastic na bote ng softdrink. Kung tama ang pagkakagawa ko batay sa libro namin, lilipad ito sa pamamagitan ng Mentos at Coke. Pagkatapos, ayon na rin sa mungkahi ninyo, kinulayan ko ito…

Buwan at Araw

Buwan at Araw

“Bakit magkahiwalay ang buwan at ang araw?”
Iyan ang aking tanong kay Nanay at kay Tatay.
“Ang isa ay kapiling ng malalayong tala
Ang isa ay kasama ng masasayang bata.”
Tugon ng aking Nanay: “Kailangang maglayo
Upang sa isa’t isa ay hindi mabilanggo.”
“Pag sila’y nagdidikit, ang isa’y nagugunaw.”
May pag-aalinlangang sagot ng aking Tatay.
“Di ba sila maaring magkasundo’t magsama
Tulad noong panahong sila’y nilikhang una?”
Malungkot na daigdig ang sumalo nang kagyat
Sa luha ng nanay kong dahan-dahang nagsaad:
“Pagsasama man nila ay hindi na nga wasto,
Sila’y nasa tabi lang ng mahal nilang mundo.”

‘Sang Gabi Ng Lockdown

‘Sang Gabi Ng Lockdown

Kagabi, ang buwanay para bang ice creamna sobrang linamnam. Ako ay nangasimsa ‘king pag-aasam.Kaya ko hiniling sa mahal kong inangako ay ibiling isang kutsarang ga-bangka ang laki.Wala na raw tindakahit sa grocery. At muling umugongang aking sikmurakagaya ng motor. Pa’no’y kahit talasa dako pa roon,katulad…

The New Enemy

The New Enemy

How do you teach COVID-19 to your children? This illustrated poem can help you!

Ang Bagong Kalaban

Ang Bagong Kalaban

Paano nga ba maipapaliwanag sa mga bata ang tungkol sa COVID-19? Ito ang isang paraan!