habing salita, diwang malaya

Tulang Pambata

Ang K’wento N’ya

Ang K’wento N’ya

Lagi’t laging mayro’ng pasa ang maamo niyang mukha Pagkatapos s’yang awayin ng kaklase’t kapwa bata Ganyan lagi ang k’wento n’ya; ‘di lang natin mahalata Pagkat laging nakangiti kahit takot, nahihiya.   Binansagang bansot, pandak, unano at ‘sang maligno Tinawag ding walang ama, tiyanak at kabonegro […]

Kahon Kahon

Kahon Kahon

I. Kahon-kahong pasalubong Ang dumating kanina lang; Laman nito ay pantalon Mga damit at laruan.   Kahon-kahon ding de-lata Mga kendi, tsokolate May kalakip din na pera Para kina kuya’t ate.   Kahon-kahong mga sabon Kolorete at pabango ‘Di mabilang sa maghapon O kahit pa […]

Ang Palaboy

Ang Palaboy

Siya’y palaboy, walang mapuntahan Walang pamilya o tahanan Naghahanap, nangungulila Sa pagmamahal at pagkalinga   Nakatingala sa mga dumaraan Sa pagtingin, gutom ba’y nababawasan? Naiibsan ba ang sugat at sakit Ng kawalang-pakialam at panlalait?   Kumakalam ang kanyang sikmura Sa gutom na hindi humuhupa Patuloy […]

Muning, muning

Muning, muning

Muning, muning Huwag kang masasanay na magmasid lamang sa itaas o sa sahig ay mahiga at mag-unat.   Muning, muning Huwag mamihasang mag-abang Sa among nagbibigay ng biyaya dahil ‘di ka nilikha para maging alaga.   Ugaliin mong mag-usisa siyasatin ang mga lungga saliksikin ang […]

Bahaghari

Bahaghari

Ang kuwento sa atin ng matatanda: may ginto raw sa dulo ng bahaghari   Ito ang aking sadyang paniniwala kahit ako’y may gatas pa sa labi.   Umaabot ba sa dulo ng daigdig ang bahagharing lumilitaw sa atin   Kaya kayo’y napilitang umalis upang ginto’y […]

Para Kay Himig

Para Kay Himig

Lumundag kang parang palaka at kumilos nang malayang malaya. Umakyat kang tila matsing at lihim ng gubat ay iyong alamin. Tumakbo kang parang kabayo at sumabay sa bilis ng ikot ng mundo. Lumangoy kang wangis ng butanding at maglakbay sa hiwaga ng dagat na malalim. […]

Libreng Download

Libreng Download

Tilamsik ng Haraya Ang Tilamsik ng Haraya ni Ferdie L. Eusebio ay kalipunan ng mga tula na pilit hinahanap ang mga nawawala at sinusukat ang lawak ng dagat sa ating pagitan, at kung saan maging ang katahimikan ay nagkakaroon ng imahe. Libre mo itong mada-download! […]


error: For Copyright Protection, we have disabled right-clicking on this page. If you want a copy of this work, please visit our Libreng Download page. Thank you!