Pag-iisa 3 (Awards Night)

Pag-iisa 3 (Awards Night)

Nais kong pasalamatan Ang mga binti ko at talampakan Sa palagiang pag-alalay Sa oras ng pangangailangan Dahil sa inyong suporta Ako’y nakatayo sa sariling mga paa   Tumatanaw din ako ng utang na loob Sa aking nakukubang gulugod Ikaw ang sandalan kong lubos ‘Pag ang…

Pag-iisa 2

Pag-iisa 2

Nag-aanyaya ang mga bituin Na pagmasdan ang ganda nila sa dilim Habang ako’y nakahiga sa bakanteng lote Walang karamay kundi beer na de-bote At ang buwan sa aking harapan ‘Di ko akalaing sa akin pala nakasubaybay Matagal pa raw ang eklipse Kaya’t mag-aaliw daw muna…

Pag-iisa (Eklipse)

Pag-iisa (Eklipse)

Ang bawat gabi ay dalamhati ng araw Dahil sa buwang minsan lang dumalaw Sa tagal ng kanilang ‘di pagkikita Ang mundo’y muntik nang mawalan ng pag-asa Ang buwang namimighati Ay may pagnanasang sumisidhi At kung may pagkakataong sandaling Sa araw ay humalik… siya’y magmamadali Kahit…

Gagamba

Gagamba

Ba’t ‘di natin tularan Ang mabunying gagamba? Ang likha n’yang tahanan Tinuturing n’yang kanya. Kanya ang bawat hiblang Sumasabit sa dahon Kumakapit sa sanga Tumutulay sa kahoy. Kahoy na s’yang tanggulan At s’yang tahanang aba S’ya ring ikamamatay ‘Pag kinuha ng iba.   Public Domain…

Unang Ulan ng Mayo

Unang Ulan ng Mayo

Dalangin ko ngayong umaga Bago humigop ng kape At pumasok sa trabaho: “Sana’y maambunan man lang Ng konting taas sa sweldo At iba pang mga benepisyo Sana’y hindi rin ma-endo Gaya ng ibang empleyado.” Ngunit may kulimlim Sa aking papawirin; Parang nagse-senti Ang masungit na…

Paghihiwalay

Paghihiwalay

Ang paghihiwalay Ay parang paggapas sa uhay Na binungkos-bungkos Ng mga Dakilang Kamay At kapag tabas na ang tangkay Maiiwan ang pinag-ugatan Upang matuyo’t mabulok Sa bitak na lupang Kanilang pinagsamahan   Kagaya din ito Kung paano nagiging bigas Ang gintong butil ng palay –…