Pag-iisa (Eklipse)

Ang bawat gabi ay dalamhati ng araw
Dahil sa buwang minsan lang dumalaw
Sa tagal ng kanilang ‘di pagkikita
Ang mundo’y muntik nang mawalan ng pag-asa
Ang buwang namimighati
Ay may pagnanasang sumisidhi
At kung may pagkakataong sandaling
Sa araw ay humalik… siya’y magmamadali
Kahit pa humarang sa huklubang planeta
Sisimsimin, susulitin ang nakahaing ligaya
Sapagkat matagal pa uli ang susunod na tagpuan
At muli siyang mananabik sa nag-iisang araw
Public Domain image by Robert Couse-Baker
Ang tulang ito ay bahagi ng koleksyon na pinamagatang “Tilamsik ng Haraya“. Mada-download ng libre ang e-book na ito dito sa aming website.
Musikero, makata, mangingibig, at driver; si Ferdie Eusebio ay isinilang at nagkukuta sa Los Baños, Laguna. Kasalukuyang online writer para sa sandamakmak na business websites sa loob at labas ng Pilipinas. Siya ang tumatayong Editor ng ExpertContentWritersTeam – isang pangkat ng mga freelance writers. Siya rin ay kasalukuyang kasapi ng KATAGA-Online. Kapag may oras ay muli siyang nagbabalik sa pag-compose ng mga kanta.