Author: Ferdie L. Eusebio

Eklipse

Eklipse

Kubing*

Kubing*

Kinulbit kong magilasang kubing na may kupas.Agaw-aw na tumakas:umaawit na bukas. Kubing – instrumentong yari sa kawayan. Pinatutunog ito sa pamamagitan ng pag-ipit sa pagitan ng mga labi at pagkulbit nang malakas. Pinaaalingawngaw ito sa loob ng bibig. Karaniwang ginagamit ito ng mga Maguindanaon at…

Sa Aking Rocketship (Isang Haibun)

Sa Aking Rocketship (Isang Haibun)

Isang rocket ship ang project namin sa Science. Gawa ito sa isang malaking plastic na bote ng softdrink. Kung tama ang pagkakagawa ko batay sa libro namin, lilipad ito sa pamamagitan ng Mentos at Coke. Pagkatapos, ayon na rin sa mungkahi ninyo, kinulayan ko ito…

Buwan at Araw

Buwan at Araw

“Bakit magkahiwalay ang buwan at ang araw?”
Iyan ang aking tanong kay Nanay at kay Tatay.
“Ang isa ay kapiling ng malalayong tala
Ang isa ay kasama ng masasayang bata.”
Tugon ng aking Nanay: “Kailangang maglayo
Upang sa isa’t isa ay hindi mabilanggo.”
“Pag sila’y nagdidikit, ang isa’y nagugunaw.”
May pag-aalinlangang sagot ng aking Tatay.
“Di ba sila maaring magkasundo’t magsama
Tulad noong panahong sila’y nilikhang una?”
Malungkot na daigdig ang sumalo nang kagyat
Sa luha ng nanay kong dahan-dahang nagsaad:
“Pagsasama man nila ay hindi na nga wasto,
Sila’y nasa tabi lang ng mahal nilang mundo.”

Liham Sa Mandirigma

Liham Sa Mandirigma

Wag ipagkamali, bunying mandirigma, ako’y nalulungkot sa ‘yong kabiguan. Wala na nga yatang makapaghahanda sa mga sugat mong ngayo’y dinaramdam. Ika’y kalingkingang nasugatan bigla kaya nagdaramdam ang bayang katawan. Ngunit, mandirigma, batid mo ba kaya pasakit mong likha sa ‘yong pinagmulan? Nasaang korner ka no’ng…

La Luna del Cráneo

La Luna del Cráneo

Mabuti pa ang buwan, malayang nagniningning sa kalawakan. Nakakalabas sa kanlungang langit at nakakaulayaw ang mga tala tuwing siya ay naiinip. Para bang nang-iinggit sa tuwing ako ay sisilip sa bintana kong maliit upang tanawin ang daigdig na nagkukumot ng dilim. Ngunit dahil sa kanyang…