habing salita, diwang malaya

Tag: tulang pilipino

Tunggalian

Tunggalian

Ang sigaw ng puso ko: “Bukod-tanging ikaw lang!” Ang bulong ng sentido: “Bulsa ko’y walang laman.”   Free image Heart and Brain

Binhi

Binhi

Ang búhay n’ya’y binhing babago lang tanim: Mahina’t maliit. Wala pa mang ugat, nais nang gapasin. Nang magbago’ng klima’t kumalat ang lagim Kanilang ‘giniit: Kahit bubót pa ma’y dapat nang sunugin.   Ngunit kahit bubót, siya’y nagpunyagi. Pinilit mag-ugat Kahit na matayog, punòng katunggali. Gaya […]

Hiling sa Bituin (Isang Koleksyon ng mga Pangarap) BOOK FOR A CAUSE

Hiling sa Bituin (Isang Koleksyon ng mga Pangarap) BOOK FOR A CAUSE

Ang “Hiling sa Bituin” ay isang koleksyon ng mga tula at kuwentong pambata sa panulat nina Peter Cruz, Ferdie L. Eusebio at Jairene Calabia Cruz-Eusebio. Layon nitong hikayatin ang mambabasang palawakin ang kanilang ng imahinasyon at tuparin ang kanilang mga pangarap — mapabata man o matanda. […]

Samo’t Dalangin

Samo’t Dalangin

Parang may anino ng duda sa laylayan ng mga ulap, isang umagang gumising akong may kakaibang katiyakan at pag-asa. Di ko mawari kung sisikat ba o hindi ang araw sa likuran nila.   Habang ako’y matapat na nag-alay ng pinagtagni-tagning bersong umalingawngaw lamang sa kawalan […]

Bakunawa

Bakunawa

Nilamon ng serpiyente ang buwang kadluan ng laksa-laksang alaala. Bolang tanglaw sa gabing mapanglaw   Ay ngayo’y pulang pula. Nababad sa dugo ang pinaslang na musa sa kalangitan. Walang natira sa Bathaluman kundi bungo   Na sa halip maluoy ay lalong namukadkad. Umawit ng ponebre […]

Ang Bunga

Ang Bunga

At nalaglag na nga ang bunga sa lupa nang yugyugin ng hangin ang punong malilim.   Ang bungang pumatak ay ‘di agad nabiyak. Nang aking lapitan at usisain ang laman: natagpuan kong bulok – kahit hilaw ay may uod.   Habang ang isang natira sa […]


error: For Copyright Protection, we have disabled right-clicking on this page. If you want a copy of this work, please visit our Libreng Download page. Thank you!