Ang Bayang Nililinlang
Ang bayang nililinlang ay bihirang malaman: kailan sila magiting, kailan sila alipin.
Ang bayang nililinlang ay bihirang malaman: kailan sila magiting, kailan sila alipin.
Kuliglig na maingay himpil sa kagubatan Tunog mo ay hinaan; may tukong nag-aabang.
Di lahat ng bulaklak ay humahalimuyak; mayro’n ding nagkakalat ng lason at kamandag.
Kahapon ay tinola Paksiw naman kanina Ngayo’y munting tinapa Bukas: buntong hininga.
Ako ay gabi, habang ikaw ay araw ako’y pinasasaya mo kapag napapanglaw Dinadalaw mo ang aking iniiwan pinadadalas mo rin ang minsan Nagiging tama ang bawat mali kapag simangot ko’y iyong nginingiti. Di kaya ito ‘yung tinatawag na pag-ibig kung saan tayo’y kabilaang nananalig? …
Isang malawak na dagat ng pananabik ang pagitan ng aming barko sa ating baybayin noong araw na maglayag malapit sa pampang kung saan ako nanggaling. Tanaw na tanaw ko rin ang pantalang lunsaran ng mga barkong pangkalakalang paris ko’y hanap ang maaliwalas na kapalaran. …