Buntong Hininga

Buntong Hininga

Kahapon ay tinola Paksiw naman kanina Ngayo’y munting tinapa Bukas: buntong hininga.

Kabilaan

Kabilaan

Ako ay gabi, habang ikaw ay araw ako’y pinasasaya mo kapag napapanglaw Dinadalaw mo ang aking iniiwan pinadadalas mo rin ang minsan Nagiging tama ang bawat mali kapag simangot ko’y iyong nginingiti. Di kaya ito ‘yung tinatawag na pag-ibig kung saan tayo’y kabilaang nananalig?  …

Tripulante

Tripulante

Isang malawak na dagat ng pananabik ang pagitan ng aming barko sa ating baybayin noong araw na maglayag malapit sa pampang kung saan ako nanggaling. Tanaw na tanaw ko rin ang pantalang lunsaran ng mga barkong pangkalakalang paris ko’y hanap ang maaliwalas na kapalaran.  …

Kapirasong Buto

Kapirasong Buto

Kapirasong buto: iyan ang turing sa aking sa iyong tadyang nanggaling Bulaklak sa hardin ng Eden palamuti ang gandang angkin.   Walang ibang sadya kundi maging kapares ng iyong gilas at kisig Maging laman sa iyong bisig at larawan ng iyong titig.   Kapirasong buto…

Video Chat

Video Chat

Ngiti ng pamilya sa Pilipinas ang kanyang umagahan isang araw dito sa mainit na Gitnang Silangan Kahit bihira rito ang mainit na pandesal parang ito na rin ang kanyang natitikman. Sing-init ng kape ang paputol-putol na “i love you” ang siyang babaunin niya papasok sa…

Kandila

Kandila

Libong kandilang nagniningning sa bawat sulok ng daigdig ay tulad ng mapanglaw na mga bituin sa madilim at malamig na papawirin. Lumuluhang mag-isa sa nauupos na mitsa pagkat ang pagliliyab ng umaandap nilang liwanag ay malapit nang mapatid.   Ang hindi nila nababatid, may pag-asang…