habing salita, diwang malaya

Tula

Gapasan

Gapasan

Hindi na nga palay ang itinatanim Sa ‘ting natutuyong mumunting bukirin Walang ibang punlang tutubo marahil Kundi droga, bala, at lagim ng baril.   Paglao’y yayabong ang punlang hinasik Na para bang kamay na saklot ang langit; Ang samyo ng bunga, dugo ang kawangis Na […]

Ang K’wento N’ya

Ang K’wento N’ya

Lagi’t laging mayro’ng pasa ang maamo niyang mukha Pagkatapos s’yang awayin ng kaklase’t kapwa bata Ganyan lagi ang k’wento n’ya; ‘di lang natin mahalata Pagkat laging nakangiti kahit takot, nahihiya.   Binansagang bansot, kuba, payatot at ‘sang maligno Tinawag ding walang ama, tiyanak at kabonegro […]

Flores de Mayo

Flores de Mayo

Sa isang munting parada ng mga bulaklak, ikaw ay natatangi sa ganda at busilak Na marahang pumaparada sa mga mata ng mga debotong naglalakad sa kalsada.   Di ko alam kung sinong mas matimtiman; ang banal na birhen sa prusisyon o ikaw Na nagsasabog ng […]

Kahon Kahon

Kahon Kahon

I. Kahon-kahong pasalubong Ang dumating kanina lang; Laman nito ay pantalon Mga damit at laruan.   Kahon-kahon ding de-lata Mga kendi, tsokolate May kalakip din na pera Para kina kuya’t ate.   Kahon-kahong mga sabon Kolorete at pabango ‘Di mabilang sa maghapon O kahit pa […]

Bakit Di Mo Pangarapin

Bakit Di Mo Pangarapin

‘Wag na ‘wag mong pangaraping Maging tulad ng bulaklak; Pagkat kanyang ganda’t hinhin Nakuha mong lahat-lahat.   At ‘wag mo ring pangaraping Maging gaya nitong buwan; Sa pagitan ng bituin, S’ya’y mag-isa at malumbay.   Bakit ‘di mo pangaraping Maging parang isang ibon? Malaya n’yang […]

Ignis Fatuus

Ignis Fatuus

Higit sa gayuma ang halina ng kanyang birtud: bawat pilantik ng kamay sa mahabang buhok ay nagmimina ng milyon-milyong tagasunod.   Mala-batobalani naman ang maamo niyang mukha; walang sinuman sa lupa ang hindi namamangha – alindog na tuwi-tuwinang kanyang ibinabandila.   Ibang iba rin ang […]



error: For Copyright Protection, we have disabled right-clicking on this page. If you want a copy of this work, please visit our Libreng Download page. Thank you!