Lobo
Táyo’y mga lobong nais makalipad
Kapag hinihipan ng mutyang pagliyag.
Laging lumulutang tuwing nahuhulog
Ang ating pagtingin sa mata ng irog.
T’winang nakatanghal ang ating damdamin
Dahil umaasang kanilang mapansin
Ang anumang kislot na agad dadakip
Sa pinipintuhong mainit na halik.
Ngunit kung bihag na ng kamay ng sinta
Ay biglang dadalaw ang pag-aalala.
Paano kung táyo’y paglaruan lámang?
Ano’ng mangyayari pag táyo’y iniwan?
Tunay bang lalaya kung sakasakaling
Pagpasyahan nilang bitawan ang tali?
Kung nagustuhan mo ang akdang ito, pakape ka naman!
I-click lamang ang button sa ilalim para magpadala ng kape sa manunulat. Kung walang button na lumabas ay magtungo lamang sa aming Shop page.
Latest posts by Ferdie L. Eusebio (see all)
- Eklipse - November 10, 2022
- Kubing* - October 24, 2022
- Sa Aking Rocketship (Isang Haibun) - October 21, 2022