Gitara

Gitara

Alay kay Tony Palis

Umaawit ang magdamag sa kalabit
ng maestro sa ulilang instrumento.

Mataginting… mataginting.

Bawat kulbit, lagablab na inuusig
ang damdaming nahihimbing nitong mundo.

Mataginting… mataginting.

Napapawi, kahit dilim.

Free Image from Pixabay. Guitar Landscape Silhouette
Latest posts by Ferdie L. Eusebio (see all)


Leave a Reply