Tag: tulang pilipino

Unang Ulan ng Mayo

Unang Ulan ng Mayo

Dalangin ko ngayong umaga Bago humigop ng kape At pumasok sa trabaho: “Sana’y maambunan man lang Ng konting taas sa sweldo At iba pang mga benepisyo Sana’y hindi rin ma-endo Gaya ng ibang empleyado.” Ngunit may kulimlim Sa aking papawirin; Parang nagse-senti Ang masungit na…

Paghihiwalay

Paghihiwalay

Ang paghihiwalay Ay parang paggapas sa uhay Na binungkos-bungkos Ng mga Dakilang Kamay At kapag tabas na ang tangkay Maiiwan ang pinag-ugatan Upang matuyo’t mabulok Sa bitak na lupang Kanilang pinagsamahan   Kagaya din ito Kung paano nagiging bigas Ang gintong butil ng palay –…

Alon

Alon

Giliw, tularan natin ang alon; Hinahagka’t hinahagod Ang dalampasigang Inuugoy ng daluyong. Kapag ang dagat ay hinahon Doon tayo lumusong At saka sisirin ang pusod Ng hiwagang nakahimlay. At kagaya pa rin Ng mahinhing alon; Ating itulak-kabigin Ang damdaming naglalangoy At nagtatampisaw sa baybayin Ng…

Senyas

Senyas

Pinagmamasdan ko ang bawat galaw Ng iyong bibig pati na rin katawan Baka sakaling aking maunawaan Kung anong nais mong ikumpisal. Nagtatanong ka sa sarili marahil Kung ang tinig ko’y malambing Hindi ko na lamang sasabihin Pagkat ako’y sadyang mahiyain. Ibig mo bang ako’y mapakilig?…

Para Kay Himig

Para Kay Himig

Lumundag kang parang palaka at kumilos nang malayang malaya. Umakyat kang tila matsing at lihim ng gubat ay iyong alamin. Tumakbo kang parang kabayo at sumabay sa bilis ng ikot ng mundo. Lumangoy kang wangis ng butanding at maglakbay sa hiwaga ng dagat na malalim.…

Hibiscus rosa-sinensis

Hibiscus rosa-sinensis

Wala mang bango Ang kanyang mga talulot Na sinimsim ng nagdaang taon; Banaag pa rin Ang pamumukadkad At pamamayagpag Ng ganda niyang angkin. At sa darating pang panahon Muling maninikluhod Sa kanya ang mundo.   Public Domain Image by 1103489 Ang tulang ito ay bahagi…