habing salita, diwang malaya

Hibiscus rosa-sinensis

Hibiscus rosa-sinensis

Wala mang bango

Ang kanyang mga talulot

Na sinimsim ng nagdaang taon;

Banaag pa rin

Ang pamumukadkad

At pamamayagpag

Ng ganda niyang angkin.

At sa darating pang panahon

Muling maninikluhod

Sa kanya ang mundo.

 

Public Domain Image by 1103489
Ang tulang ito ay bahagi ng koleksyon na pinamagatang “Tilamsik ng Haraya“. Mada-download ng libre ang e-book na ito dito sa aming website.

Musikero, makata, mangingibig, at driver; si Ferdie Eusebio ay isinilang at nagkukuta sa Los Baños, Laguna. Kasalukuyang online writer para sa sandamakmak na business websites sa loob at labas ng Pilipinas. Siya rin ang Editor ng ExpertContentWritersTeam – isang pangkat ng mga freelance writers. Siya rin ay kasalukuyang kasapi ng KATAGA-Online. Kapag may oras ay muli siyang nagbabalik sa pag-compose ng mga kanta.



Leave a Reply


error: For Copyright Protection, we have disabled right-clicking on this page. If you want a copy of this work, please visit our Libreng Download page. Thank you!