Noong Ako’y Munting Binhi Pa Lamang
Noong ako’y munting binhi pa lamang
Sa sinapupunan ng lupang tigang
Ako ay iyong iningatan
At tiniyak na kahit paano’y mahamugan.
At nang sumibol na ang aking mga ugat
Ako’y pinausbong mo patungong alapaap
Dahil sa bawat araw at gabing lumipas
Tiniyak mong dahon ko’y ‘wag malagas.
Paglipas ng ilang tagtuyot at unos
Ako’y naging isang punong matayog
At sa tulong ng mahabaging Diyos
Bunga ko’y malapit na ring mahulog.
Naisip kong kundi dahil sa’yo
Hindi titibay mga ugat at sanga ko
Magpahanggang ngayon ako’y dinidilig mo
Gayong magkaibang puno na tayo sa ibabaw ng mundo.
Public Domain Image Bean Sprout Macro
Ang tulang ito ay bahagi ng koleksyon na pinamagatang “Tilamsik ng Haraya“. Mada-download ng libre ang e-book na ito dito sa aming website.
Latest posts by Ferdie L. Eusebio (see all)
- Eklipse - November 10, 2022
- Kubing* - October 24, 2022
- Sa Aking Rocketship (Isang Haibun) - October 21, 2022