habing salita, diwang malaya

Magic

Magic

Ang pagtatagpo nati’y mahiwaga;

isang munting kababalaghang

‘di madalumat ng isipan.

Para kasing sa dinami-rami

ng manonood ng iyong palabas,

bukod tanging ako ang pinalad

na ilagay mo sa iyong tabi.

At nagsimula ang pagtatanghal

sa tunog ng masigabong palakpakan.

Ako’y pinalutang mo sa hangin –

pinasakay, pinaikot

itinali at ibinitin,

pinagpira-piraso

at saka pinulbos.

Ngunit ang paborito kong ginawa mo

matapos mamangha nang wagas:

naglaho kang parang bula –

walang iniwang anumang bakas,

kundi isang patak ng luha.

 

Public Domain Image Magic Wand Female Flying

Musikero, makata, mangingibig, at driver; si Ferdie Eusebio ay isinilang at nagkukuta sa Los Baños, Laguna. Kasalukuyang online writer para sa sandamakmak na business websites sa loob at labas ng Pilipinas. Siya rin ang Editor ng ExpertContentWritersTeam, at kasalukuyang kasapi ng KATAGA-Online. Kapag may oras ay muli siyang nagbabalik sa pag-compose ng mga kanta.



Leave a Reply


error: For Copyright Protection, we have disabled right-clicking on this page. If you want a copy of this work, please visit our Libreng Download page. Thank you!