habing salita, diwang malaya

Pambukas

Pambukas

Kagaya ng zipper sa iyong pantalon

De-boteng serbesa na pangpakondisyon

Saka ng de-latang pulutan mo ngayon;

Ang akda kong ito, bago mo mabasa

Kailangan ng isang pirasong pambukas.

Ang mga pahinang gusto mong mabuklat

Ay batbat ng danas na hiram sa madla

Ngunit ‘di lamang ‘yan ang nais ipukol

Ng aklat na itong nagtangkang magtanong:

 

Tula bang ituring kung hindi sang-ayon

Sa standards ng sining ng henyo’t marunong?

 

Public Domain image pixundfertig
Ang tulang ito ay bahagi ng koleksyon na pinamagatang “Tilamsik ng Haraya“. Mada-download ng libre ang e-book na ito dito sa aming website.

Musikero, makata, mangingibig, at driver; si Ferdie Eusebio ay isinilang at nagkukuta sa Los Baños, Laguna. Kasalukuyang online writer para sa sandamakmak na business websites sa loob at labas ng Pilipinas. Siya rin ang Editor ng ExpertContentWritersTeam, at kasalukuyang kasapi ng KATAGA-Online. Kapag may oras ay muli siyang nagbabalik sa pag-compose ng mga kanta.



Leave a Reply


error: For Copyright Protection, we have disabled right-clicking on this page. If you want a copy of this work, please visit our Libreng Download page. Thank you!