habing salita, diwang malaya

Para Kay Jaymee 2

Para Kay Jaymee 2

At sa huli,

Dumapo ang ‘yong tingin

Sa lawak ng langit

Na nagkukumot ng itim

Kuminang ang ‘yong mga mata

Na parang kislap ng bituing

Sama-samang naiinggit

Sa biloy ng ‘yong pisngi

At ako naman

Ay mat’yagang nag-aabang

Sa ngiti mong ‘sing dalang

Ng pagkahulog ng bituin

Sa kalangitan…

 

Public Domain Image by OpenClipart-Vectors
Ang tulang ito ay bahagi ng koleksyon na pinamagatang “Tilamsik ng Haraya“. Mada-download ng libre ang e-book na ito dito sa aming website.

Musikero, makata, mangingibig, at driver; si Ferdie Eusebio ay isinilang at nagkukuta sa Los Baños, Laguna. Kasalukuyang online writer para sa sandamakmak na business websites sa loob at labas ng Pilipinas. Siya rin ang Editor ng ExpertContentWritersTeam, at kasalukuyang kasapi ng KATAGA-Online. Kapag may oras ay muli siyang nagbabalik sa pag-compose ng mga kanta.



Leave a Reply


error: For Copyright Protection, we have disabled right-clicking on this page. If you want a copy of this work, please visit our Libreng Download page. Thank you!