habing salita, diwang malaya

Tag: tanaga

Tunggalian

Tunggalian

Ang sigaw ng puso ko: “Bukod-tanging ikaw lang!” Ang bulong ng sentido: “Bulsa ko’y walang laman.”   Free image Heart and Brain

Buktot Na Dila

Buktot Na Dila

Kahit mabuting wika ang kathain ng diwa kapag buktot ang dila lilitaw na masama.   Public Domain Image Tongue

Kaibigang Kawatan

Kaibigang Kawatan

Bahay na nanakawan ay lumubog sa utang; nandambong na kawatan tinawag pang kaibigan.   Public Domain Image Thief

Kalasag ng Kabalyero

Kalasag ng Kabalyero

‘Pag bago ang kalasag ng bunying kabalyero s’ya’y ‘di pa nasasabak sa pagsubok ng mundo.   Public Domain Image Helmet Knight Armor

Ang Pag-ibig ay Alon

Ang Pag-ibig ay Alon

Ang pag-ibig ay alon: layuan mo’y hahabol habulin mo’y mamaktol maktol ka’y dadaluyong!   Public Domain Image Wave Atlantic Pacific

Kandilang Tanglaw

Kandilang Tanglaw

Kandilang sinindihan upang baya’y tanglawan ang siya ngayong ilaw sa puntod ng pumanaw.   Public Domain Image Candle Light


error: For Copyright Protection, we have disabled right-clicking on this page. If you want a copy of this work, please visit our Libreng Download page. Thank you!