Haibun ng Tagumpay
Sa lahat ng bagay na naganap sa Pilipinas mula sa pananakop sa WPS, sa illegal migrants at drogang mula sa China,
hanggang sa pag-abandona at pag-aakusa sa mga tripulante ng nabanggang F/B Gem-Ver, sinong mag-aakalang
makukuha natin ang pagkapanalong minimithi sa anyo ng larong basketball?
Pag-asa’y parang bola:
agawi’t, tumalbog man
sa kapapasa-pasa,
lalo lang aabangan.
At ito na nga ang Gilas Youth. Parang langgam na kumagat at nagpatumba sa higanteng tipaklong. Hindi kilalang
koponan kaya hindi masyadong nabalitaan ang pagkapanalo. Sa score na 86-72, kahit paano’y naipaghiganti ang
mga nasirang bahura. Kahit paano’y nabawi ang dangal ng mga inaping mangingisda. Sana’y humawa ang kanilang
tagumpay maging sa mga isyung panlipunang kinakaharap natin ngayon. Sana’y kahit sa basketball, makita ng
madlang walang malaking nakapupuwing at walang maliit na nakahihirin, lalo na’t sa panahon ngayong
pinapanginoon ng sarili nating pinuno ang mananakop na dragon.
Ang haibun ay isang uri ng panulaang Hapones kung saan magkalangkap ang prosa at maikling tula.
Public Domain Image Basketball Shadow
- Eklipse - November 10, 2022
- Kubing* - October 24, 2022
- Sa Aking Rocketship (Isang Haibun) - October 21, 2022