Author: Ferdie L. Eusebio

Tupada

Tupada

Para tayong mga manok Na pinagsasabong Sa malawak na larangang Kung tawagin ay lipunan. At ang nagpapakilalang Kristo Ay may lagim ang ebanghelyo Na tila hanep na nanunuot Saan mang dako’t direksyon. Kung tapos na ang tupada At nakuha na ang pusta Tayo ay dadalhin…

Nawawala

Nawawala

Sa tuwing nadaragdagan Ang puwang sa ating pagitan, Lagi’t laging may nawawala Sa aking mga piraso Dulot ng pangungulila.   Nawawala ang aking mga matang Nasasabik na makita Ang tamis ng iyong ngiti. Hinahanap ko ito sa mga lugar Na sinusubukan kong mamalagi. Ngunit wala…

Ang Kalungkutan

Ang Kalungkutan

Ang kalungkutan ay parang kaibigang matagal nang napawalay Bigla siyang daratal nang ‘di mo namamalayan. Tatawagin ka niya nang walang abiso sa gitna ng pagpapahinga o sa tambak ng trabaho. At bigla mo na lang matatagpuan ang sarili mong s’ya’y kayakap at magiliw na kausap.…

Pag-iisa 3 (Awards Night)

Pag-iisa 3 (Awards Night)

Nais kong pasalamatan Ang mga binti ko at talampakan Sa palagiang pag-alalay Sa oras ng pangangailangan Dahil sa inyong suporta Ako’y nakatayo sa sariling mga paa   Tumatanaw din ako ng utang na loob Sa aking nakukubang gulugod Ikaw ang sandalan kong lubos ‘Pag ang…

Pag-iisa 2

Pag-iisa 2

Nag-aanyaya ang mga bituin Na pagmasdan ang ganda nila sa dilim Habang ako’y nakahiga sa bakanteng lote Walang karamay kundi beer na de-bote At ang buwan sa aking harapan ‘Di ko akalaing sa akin pala nakasubaybay Matagal pa raw ang eklipse Kaya’t mag-aaliw daw muna…

Pag-iisa (Eklipse)

Pag-iisa (Eklipse)

Ang bawat gabi ay dalamhati ng araw Dahil sa buwang minsan lang dumalaw Sa tagal ng kanilang ‘di pagkikita Ang mundo’y muntik nang mawalan ng pag-asa Ang buwang namimighati Ay may pagnanasang sumisidhi At kung may pagkakataong sandaling Sa araw ay humalik… siya’y magmamadali Kahit…