Pumatay Ako

Pumatay Ako

Pumatay ako ng kulisap Hindi basta lamok o langaw na makulit O anumang kumag na kung kumagat ay masakit Basta insektong hindi ko lang nagustuhan Nang mapadapo sa aking ulunan At iyong kulisap nang aking mahampas Ako’y natuwa’t agad nahimasmasan Dahil hindi uubra ang gayong…

Maging Ang Katahimikan

Maging Ang Katahimikan

Maging ang katahimikan Ay nauumid ang dila Sa kanyang nasasaksihan Kapag gabi ay payapa   Maging ang katahimikan Ay naghahanap ng kausap Habang pinaglalamayan Ang haba ng magdamag   At kung mahahanap niya Ang makikinig na tainga Ano kayang ibibida Ng libo’t isa n’yang istorya?…

Pistang Bayan

Pistang Bayan

Dinumog nila Ang lutong ng ulo Pinapak din Ang nakabuyangyang na katawan Ganito kaligaya Ang mga langaw at uod Sa dinatnan nilang eksena Dito sa nag-aagaw dilim na kalsada.   ‘Di mabilang ang nakidalo Sa salu-salong ito Halos lahat ay nagpipista At nagsasaya Sa kapalaran…

Tupada

Tupada

Para tayong mga manok Na pinagsasabong Sa malawak na larangang Kung tawagin ay lipunan. At ang nagpapakilalang Kristo Ay may lagim ang ebanghelyo Na tila hanep na nanunuot Saan mang dako’t direksyon. Kung tapos na ang tupada At nakuha na ang pusta Tayo ay dadalhin…

Nawawala

Nawawala

Sa tuwing nadaragdagan Ang puwang sa ating pagitan, Lagi’t laging may nawawala Sa aking mga piraso Dulot ng pangungulila.   Nawawala ang aking mga matang Nasasabik na makita Ang tamis ng iyong ngiti. Hinahanap ko ito sa mga lugar Na sinusubukan kong mamalagi. Ngunit wala…

Ang Kalungkutan

Ang Kalungkutan

Ang kalungkutan ay parang kaibigang matagal nang napawalay Bigla siyang daratal nang ‘di mo namamalayan. Tatawagin ka niya nang walang abiso sa gitna ng pagpapahinga o sa tambak ng trabaho. At bigla mo na lang matatagpuan ang sarili mong s’ya’y kayakap at magiliw na kausap.…