Maging Ang Katahimikan

Maging ang katahimikan
Ay nauumid ang dila
Sa kanyang nasasaksihan
Kapag gabi ay payapa
Maging ang katahimikan
Ay naghahanap ng kausap
Habang pinaglalamayan
Ang haba ng magdamag
At kung mahahanap niya
Ang makikinig na tainga
Ano kayang ibibida
Ng libo’t isa n’yang istorya?
Image by bosmanerwin
Ang tulang ito ay bahagi ng koleksyon na pinamagatang “Tilamsik ng Haraya“. Mada-download ng libre ang e-book na ito dito sa aming website.
Musikero, makata, mangingibig, at driver; si Ferdie Eusebio ay isinilang at nagkukuta sa Los Baños, Laguna. Kasalukuyang online writer para sa sandamakmak na business websites sa loob at labas ng Pilipinas. Siya ang tumatayong Editor ng ExpertContentWritersTeam – isang pangkat ng mga freelance writers. Siya rin ay kasalukuyang kasapi ng KATAGA-Online. Kapag may oras ay muli siyang nagbabalik sa pag-compose ng mga kanta.