Pumatay ako ng kulisap
Hindi basta lamok o langaw na makulit
O anumang kumag na kung kumagat ay masakit
Basta insektong hindi ko lang nagustuhan
Nang mapadapo sa aking ulunan
At iyong kulisap nang aking mahampas
Ako’y natuwa’t agad nahimasmasan
Dahil hindi uubra ang gayong ugali niya
Ugaling talagang hindi ko kinikilala
At hindi ko rin naman siya nakikilala
Kaya naman nang ako’y tanungin
Kung bakit ko ginawa, agad kong binanggit:
Pinatay ko
Dahil nanlaban ito.
Public Domain Image by mikadago
Ang tulang ito ay bahagi ng koleksyon na pinamagatang “Tilamsik ng Haraya“. Mada-download ng libre ang e-book na ito dito sa aming website.
Musikero, makata, mangingibig, at driver; si Ferdie Eusebio ay isinilang at nagkukuta sa Los Baños, Laguna. Kasalukuyang online writer para sa sandamakmak na business websites sa loob at labas ng Pilipinas. Siya rin ang Editor ng ExpertContentWritersTeam, at kasalukuyang kasapi ng KATAGA-Online. Kapag may oras ay muli siyang nagbabalik sa pag-compose ng mga kanta.
Like this:
Like Loading...
Related