Pistang Bayan
Dinumog nila
Ang lutong ng ulo
Pinapak din
Ang nakabuyangyang na katawan
Ganito kaligaya
Ang mga langaw at uod
Sa dinatnan nilang eksena
Dito sa nag-aagaw dilim na kalsada.
‘Di mabilang ang nakidalo
Sa salu-salong ito
Halos lahat ay nagpipista
At nagsasaya
Sa kapalaran
Ng nakahandusay na nilalang.
Habang ang matadero
Ay muling naghahasa ng kutsilyo
At nag-aabang kung kailan
Ang susunod na handaan.
Image by Stevepb
Ang tulang ito ay bahagi ng koleksyon na pinamagatang “Tilamsik ng Haraya“. Mada-download ng libre ang e-book na ito dito sa aming website.
Latest posts by Ferdie L. Eusebio (see all)
- Eklipse - November 10, 2022
- Kubing* - October 24, 2022
- Sa Aking Rocketship (Isang Haibun) - October 21, 2022