Para sa mga Tala

Para sa mga Tala

Mahirap ituro ang kaparangan Na hindi mo nilakaran Tulad ng kagubatan Na hindi mo dinaanan Kung ‘di sanay sa karimlan Maliligaw ang sinuman Kaya’t silang sumusuong, naglilibot Upang tumulong, maglingkod At silang nagpaabot ng pag-ibig at sagot Sa tanong na iniiwan ng paghihirap at lungkot…

Tunggalian

Tunggalian

Ang sigaw ng puso ko: “Bukod-tanging ikaw lang!” Ang bulong ng sentido: “Bulsa ko’y walang laman.”   Free image Heart and Brain

Binhi

Binhi

Ang búhay n’ya’y binhing babago lang tanim: Mahina’t maliit. Wala pa mang ugat, nais nang gapasin. Nang magbago’ng klima’t kumalat ang lagim Kanilang ‘giniit: Kahit bubót pa ma’y dapat nang sunugin.   Ngunit kahit bubót, siya’y nagpunyagi. Pinilit mag-ugat Kahit na matayog, punòng katunggali. Gaya…

Samo’t Dalangin

Samo’t Dalangin

Parang may anino ng duda sa laylayan ng mga ulap, isang umagang gumising akong may kakaibang katiyakan at pag-asa. Di ko mawari kung sisikat ba o hindi ang araw sa likuran nila.   Habang ako’y matapat na nag-alay ng pinagtagni-tagning bersong umalingawngaw lamang sa kawalan…

Ang Pag-ibig ay Tokhang

Ang Pag-ibig ay Tokhang

Ang puso kong adik sa ‘yong pagmamahal Nakitang duguan sa isang lansangan. Nang mayro’ng magtanong kung anong dahilan: “Sa halip sumuko, piniling lumaban.”   Public Domain Image Bloody Heart

Imahen

Imahen

‘Di na n’ya kilala ang mukhang kausap at kanyang kaharap Kasinglabo na rin ng lumang salamin ang matang mapungay; ‘Di na n’ya aninag ang mga imaheng minsan n’yang ginagap.   Maging ang pisngi n’yang maganda’t makinis; pirmi ring bumagsak Gan’un din ang noong kulubot na…