Compass 2.0

Compass 2.0

Kundangang bakit Nang mawala ka, Saka ko nasilip Ang distansya Ng tamang daan Pauwi sa aking sarili.   Public Domain Image Compass

Ang Pusa Sa Kandungan Ni Sisa

Ang Pusa Sa Kandungan Ni Sisa

Kung kaya ko lamang damahin ang sakit Ng bawat kulata, suntok at sabunot Ng iyong kabiyak – pati na ang galit Ay ‘di mo na sana ipanghihilamos Sa mukhang marikit ang patak ng luha.   Ang kaya ko lamang sa ngayon ay pilit ikalmot nang…

Sa Habang Panahon

Sa Habang Panahon

Tulad mo’y bulaklak sa gitna ng hardin na dagling pinitas matapos mapansin Subalit sa halip na ika’y samyuhin – kinuyom sa kamay; pinigang mariin.   Naiwan kang sira; talulot mo’y lagas, ang hardi’y nalunod sa luha mong katas. Umihip ding sunod ang hanging malakas at…

Buktot Na Dila

Buktot Na Dila

Kahit mabuting wika ang kathain ng diwa kapag buktot ang dila lilitaw na masama.   Public Domain Image Tongue

Ulan Sa Tanghali

Ulan Sa Tanghali

Bumuhos ang ulan gayong tanghaling tapat at ang mumunting patak ay marahang marahang yumapos sa aking katawan. Pagkat wala akong payong, ako muna ay sumilong sa lilim ng punong mayabong upang ibsan, ‘di lang banas kundi buhos na marahang nagpapalabo sa aking mga mata.  …

Kaibigang Kawatan

Kaibigang Kawatan

Bahay na nanakawan ay lumubog sa utang; nandambong na kawatan tinawag pang kaibigan.   Public Domain Image Thief