habing salita, diwang malaya

Ganyan Ka

Ganyan Ka

Kapag ako’y nag-iisa

O di kaya ay abalá,

Saka ikaw magpupunta

Sa puso ko at haraya.

 

Ay, ganyan ka aking sinta,

kaya kita sinasamba.

 

Kapag gabi ay tahimik

at ang mundo’y naiidlip

Saka ikaw ay aawit

sa puso kong nananabik.

 

O, ganyan ka aking ibig;

parang langit ang ‘yong himig.

 

At sa muli kong paggising

sa umagang haharapin

Ika’y muling dumarating

sa isip ko at damdamin.

 

Ay, ganyan ka, aking giliw;

ba’t kayhirap mong limutin?

 

Public Domain Image Lovers Night Starry Sky

Ferdie L. Eusebio

Musikero, makata, mangingibig, at driver; si Ferdie Eusebio ay isinilang at nagkukuta sa Los Baños, Laguna. Kasalukuyang online writer para sa sandamakmak na business websites sa loob at labas ng Pilipinas. Siya ang tumatayong Editor ng ExpertContentWritersTeam - isang pangkat ng mga freelance writers. Siya rin ay kasalukuyang kasapi ng KATAGA-Online. Kapag may oras ay muli siyang nagbabalik sa pag-compose ng mga kanta.

Latest posts by Ferdie L. Eusebio (see all)



Leave a Reply