Phoenix

Phoenix

Tayo’y nagliliyab sa t’wing umiibig;

ito’y sumpang pataw nang tayo’y likhain.

Kapag dumarating ang takdang kapares,

ang apoy sa dibdib, dagling nagigising.

 

Tayo’y lumilipad sa pagdedeliryo.

Mga ibong gala sa taas ng lagnat.

At kapag ubos na ang layaw sa mundo,

dadapuang pugad ay yakap ng liyag.

 

Ngunit mapanganib ang pusong mapusok;

kailangang mag-ingat upang wag mapaso.

Katulad ng k’wentong ‘tinakdang matapos,

puso’y matutupok sa lubhang pagsuyo.

 

At tayo, sa abo, ay magpupunyagi;

muling isisilang at iibig muli.

 

 

Public Domain Image: Phoenix
Latest posts by Ferdie L. Eusebio (see all)


Leave a Reply