Ang Sulat Kamay ay binubuo ng mga magkakamag-anak na manunulat at mambabasa.
Bukod sa pagsusulat at paglalabas ng akda na hardcopy at sa World Wide Web, ang grupo ng mga manunulat na ito ay aktibo sa pagtulong sa mga kapwa Pilipino.
Ito man ay sa pamamagitan ng pagvo-volunteer sa gitna ng sakuna, sa pagtulong sa psycho-social therapy ng mga kabataan, o sa pamimigay ng mga libro sa mga kababayan nating walang kakayahang bumili nito.
Bawat librong inyong bibilhin o bawat donasyon na inyong ipapadala ay may katumbas na librong pinamimigay, o kaya naman ay writing/learning/teaching materials at pati na rin minsan ay gamit, pagkain at iba pa (lalo na kung ang pupuntahan ay mga kababayan nating naapektuhan ng sakuna).
Kung nais ninyong matulungan kaming ipagpatuloy ang aming adhikain, mangyaring magpadala ng mensahe sa aming Facebook Page, o kaya naman ay mag-email sa [email protected].
Maraming salamat po!