Kalasag ng Kabalyero
‘Pag bago ang kalasag ng bunying kabalyero s’ya’y ‘di pa nasasabak sa pagsubok ng mundo. Public Domain Image Helmet Knight Armor
‘Pag bago ang kalasag ng bunying kabalyero s’ya’y ‘di pa nasasabak sa pagsubok ng mundo. Public Domain Image Helmet Knight Armor
Ang pag-ibig ay alon: layuan mo’y hahabol habulin mo’y mamaktol maktol ka’y dadaluyong! Public Domain Image Wave Atlantic Pacific
Kandilang sinindihan upang baya’y tanglawan ang siya ngayong ilaw sa puntod ng pumanaw. Public Domain Image Candle Light Ang tulang ito ay isa sa mga nagwagi sa Tula Táyo 2021 (kategoryang Tanaga) na inilunsad ng Komisyon sa Wikang Filipino o KWF.
Butanding na mahinhin at singlaki ng pating pilitin mang sukatin – isda pa rin ang turing. Public Domain Image Whale Shark
Sandali’y natatapos, kandila’y nauupos – Araw man na kaytayog tiyak din ang paglubog. Public Domain Image Sunset
Ang alak ay mapait kung ika’y sawi’t gipit, subalit tumatamis kung ika’y umiibig. Public Domain Image Beer