Alon
Giliw, tularan natin ang alon;
Hinahagka’t hinahagod
Ang dalampasigang
Inuugoy ng daluyong.
Kapag ang dagat ay hinahon
Doon tayo lumusong
At saka sisirin ang pusod
Ng hiwagang nakahimlay.
At kagaya pa rin
Ng mahinhing alon;
Ating itulak-kabigin
Ang damdaming naglalangoy
At nagtatampisaw sa baybayin
Ng banayad na daluyong.
Public Domain image by Pexels
Ang tulang ito ay bahagi ng koleksyon na pinamagatang “Tilamsik ng Haraya“. Mada-download ng libre ang e-book na ito dito sa aming website.
Latest posts by Ferdie L. Eusebio (see all)
- Eklipse - November 10, 2022
- Kubing* - October 24, 2022
- Sa Aking Rocketship (Isang Haibun) - October 21, 2022