habing salita, diwang malaya

Bahaghari

Bahaghari

Ang kuwento sa atin ng matatanda:

may ginto raw sa dulo ng bahaghari

 

Ito ang aking sadyang paniniwala

kahit ako’y may gatas pa sa labi.

 

Umaabot ba sa dulo ng daigdig

ang bahagharing lumilitaw sa atin

 

Kaya kayo’y napilitang umalis

upang ginto’y inyong hanapin?

 

Ngunit parang ayaw magpakita

ng makulay na tulay sa langit

 

Na nagbibigay sa akin ng pag-asang

muli kayong tatawid dito pabalik.

 

Kaya araw-araw kong inaabangang

lumitaw sa langit ang bahaghari

 

Upang hanapin, ‘di ang gintong yaman

Kundi gintong araw ng inyong pag-uwi.

 

Public Domain Image Screen A Fairy Tale The Sun

Musikero, makata, mangingibig, at driver; si Ferdie Eusebio ay isinilang at nagkukuta sa Los Baños, Laguna. Kasalukuyang online writer para sa sandamakmak na business websites sa loob at labas ng Pilipinas. Siya rin ang Editor ng ExpertContentWritersTeam – isang pangkat ng mga freelance writers. Siya rin ay kasalukuyang kasapi ng KATAGA-Online. Kapag may oras ay muli siyang nagbabalik sa pag-compose ng mga kanta.



Leave a Reply


error: For Copyright Protection, we have disabled right-clicking on this page. If you want a copy of this work, please visit our Libreng Download page. Thank you!