Kahon Kahon

Kahon Kahon

I. Kahon-kahong pasalubong Ang dumating kanina lang; Laman nito ay pantalon Mga damit at laruan.   Kahon-kahon ding de-lata Mga kendi, tsokolate May kalakip din na pera Para kina kuya’t ate.   Kahon-kahong mga sabon Kolorete at pabango ‘Di mabilang sa maghapon O kahit pa…

Bakit Di Mo Pangarapin

Bakit Di Mo Pangarapin

‘Wag na ‘wag mong pangaraping Maging tulad ng bulaklak; Pagkat kanyang ganda’t hinhin Nakuha mong lahat-lahat.   At ‘wag mo ring pangaraping Maging gaya nitong buwan; Sa kanlungang papawirin, S’ya’y mag-isa at malumbay.   Bakit ‘di mo pangaraping Maging parang isang ibon? Malaya n’yang nararating…

Ignis Fatuus

Ignis Fatuus

Higit sa gayuma ang halina ng kanyang birtud: bawat pilantik ng kamay sa mahabang buhok ay nagmimina ng milyon-milyong tagasunod.   Mala-batobalani naman ang maamo niyang mukha; walang sinuman sa lupa ang hindi namamangha – alindog na tuwi-tuwinang kanyang ibinabandila.   Ibang iba rin ang…

Ganyan Ka

Ganyan Ka

Kapag ako’y nag-iisa O di kaya ay abalá, Saka ikaw magpupunta Sa puso ko at haraya.   Ay, ganyan ka aking sinta, kaya kita sinasamba.   Kapag gabi ay tahimik at ang mundo’y naiidlip Saka ikaw ay aawit sa puso kong nananabik.   O, ganyan…

Sa Tuwing Sasakmalin Ng Dilim Ang Bukirin

Sa Tuwing Sasakmalin Ng Dilim Ang Bukirin

At sumasalakay sila sa karimlan ng gabi. Pusikit pang nababalot ng dilim ang bukirin Tuwing sila’y dumarating, walang abiso o pasabi.   Tila mga anay silang humahanay sa bawat baging, Tangkay, dahon at bunga – matiyagang naghuhukay, Naghuhukay nang naghuhukay sa pakay na kunin.  …

Magic

Magic

Ang pagtatagpo nati’y mahiwaga; isang munting kababalaghang ‘di madalumat ng isipan. Para kasing sa dinami-rami ng manonood ng iyong palabas, bukod tanging ako ang pinalad na ilagay mo sa iyong tabi. At nagsimula ang pagtatanghal sa tunog ng masigabong palakpakan. Ako’y pinalutang mo sa hangin…