Kubing*
Kinulbit kong magilas
ang kubing na may kupas.
Agaw-aw na tumakas:
umaawit na bukas.
Kubing – instrumentong yari sa kawayan. Pinatutunog ito sa pamamagitan ng pag-ipit sa pagitan ng mga labi at pagkulbit nang malakas. Pinaaalingawngaw ito sa loob ng bibig. Karaniwang ginagamit ito ng mga Maguindanaon at makikita sa katimugang bahagi ng Pilipinas.
*Nagwagi ng Ikalawang Karangalan sa patimpalak na pinasimunuan ng Komisyon sa Wikang Filipino – Tumula Tayo 2022, Kategoryang Tanaga.
Larawan ng kubing galing sa Wikipedia.
Latest posts by Ferdie L. Eusebio (see all)
- Ang K’wento ni T’nalie - November 15, 2024
- Sa Bubóng ng Pag-asa - November 15, 2024
- Eklipse - November 10, 2022