Senyas
Pinagmamasdan ko ang bawat galaw
Ng iyong bibig pati na rin katawan
Baka sakaling aking maunawaan
Kung anong nais mong ikumpisal.
Nagtatanong ka sa sarili marahil
Kung ang tinig ko’y malambing
Hindi ko na lamang sasabihin
Pagkat ako’y sadyang mahiyain.
Ibig mo bang ako’y mapakilig?
Nais mo bang kita’y laging maisip?
Hangad ko kasing maranasan saglit
Ang ligaya kapag may ibong umaawit
Ngunit ako’y nangangamba
Sa tuwing kita’y nakikita
Baka ang mga matatamis mong pag-alala’y
Hindi matumbasan ng mga senyas ko, sinta.
Public Domain image by StockSnap
Ang tulang ito ay bahagi ng koleksyon na pinamagatang “Tilamsik ng Haraya“. Mada-download ng libre ang e-book na ito dito sa aming website.
Latest posts by Ferdie L. Eusebio (see all)
- Ang K’wento ni T’nalie - November 15, 2024
- Sa Bubóng ng Pag-asa - November 15, 2024
- Eklipse - November 10, 2022