Tunggalian
Ang sigaw ng puso ko: “Bukod-tanging ikaw lang!” Ang bulong ng sentido: “Bulsa ko’y walang laman.” Free image Heart and Brain
Ang sigaw ng puso ko: “Bukod-tanging ikaw lang!” Ang bulong ng sentido: “Bulsa ko’y walang laman.” Free image Heart and Brain
Ang búhay n’ya’y binhing babago lang tanim: Mahina’t maliit. Wala pa mang ugat, nais nang gapasin. Nang magbago’ng klima’t kumalat ang lagim Kanilang ‘giniit: Kahit bubót pa ma’y dapat nang sunugin. Ngunit kahit bubót, siya’y nagpunyagi. Pinilit mag-ugat Kahit na matayog, punòng katunggali. Gaya…
Ang “Hiling sa Bituin” ay isang koleksyon ng mga tula at kuwentong pambata sa panulat nina Peter Cruz, Ferdie L. Eusebio at Jairene Calabia Cruz-Eusebio. Layon nitong hikayatin ang mambabasang palawakin ang kanilang ng imahinasyon at tuparin ang kanilang mga pangarap — mapabata man o matanda. ANG PAGLATHALA NG KOLEKSYON…
Parang may anino ng duda sa laylayan ng mga ulap, isang umagang gumising akong may kakaibang katiyakan at pag-asa. Di ko mawari kung sisikat ba o hindi ang araw sa likuran nila. Habang ako’y matapat na nag-alay ng pinagtagni-tagning bersong umalingawngaw lamang sa kawalan…
Nilamon ng serpiyente ang buwang kadluan ng laksa-laksang alaala. Bolang tanglaw sa gabing mapanglaw Ay ngayo’y pulang pula. Nababad sa dugo ang pinaslang na musa sa kalangitan. Walang natira sa Bathaluman kundi bungo Na sa halip maluoy ay lalong namukadkad. Umawit ng ponebre…
At nalaglag na nga ang bunga sa lupa nang yugyugin ng hangin ang punong malilim. Ang bungang pumatak ay ‘di agad nabiyak. Nang aking lapitan at usisain ang laman: natagpuan kong bulok – kahit hilaw ay may uod. Habang ang isang natira sa…