Tahanan
Ang awit na ito ay alay sa mga pamilyang pinaglayo ng paghahanapbuhay, pandemya at pulitikal na persekusyon. Isang mahigpit na yakap sa ating mga nangungulila sa mga taong itinuturing nating malaking bahagi ng ating kinagisnang tahanan.
Kayo ang aming inspirasyon.
Tahanan
(Titik at Musika nina Ferdie L. Eusebio at Jairene Calabia Cruz-Eusebio,
Tampok si Malaya Himig Cruz Eusebio)
Copyright 2021
Ang maningning na bituin sa langit
Laging nakabantay sa atin
Bawat kislap may pangakong hatid:
Tayo’y magkakapiling pa rin.
Kung sa aking pag-alis
Alinlanga’y magbalik
Ihehele kang muli
Ng wagas kong pag-ibig….
Lagi mo sanang tatandaan
Ang yakap mo ang aking tahanan
Magkalayo ma’y nararamdaman
Ang yakap mo ang aking tahanan.
Lagi mo sanang tatandaan
Ang yakap mo ang aking tahanan
Magkalayo ma’y nararamdaman
Ang yakap mo ang aking tahanan
Latest posts by Jairene Calabia Cruz-Eusebio (see all)
- Bulong ng mga Diwata - March 1, 2024
- Tahanan - November 27, 2021
- Separation Anxiety: A Mother and Child Story - October 3, 2021