Unang Ulan ng Mayo

Unang Ulan ng Mayo

Dalangin ko ngayong umaga

Bago humigop ng kape

At pumasok sa trabaho:

“Sana’y maambunan man lang

Ng konting taas sa sweldo

At iba pang mga benepisyo

Sana’y hindi rin ma-endo

Gaya ng ibang empleyado.”

Ngunit may kulimlim

Sa aking papawirin;

Parang nagse-senti

Ang masungit na langit.

Tiyak na naman ang trapik

At ako’y male-late ulit

Uulanin ng ako sermon

Babaha din ang aking katwiran.

Ganito ang daratnan kong eksena

Sa minamahal kong pabrika

Ngayong unang ulan ng Mayo.

 

Creative Commons image Rain in Kerala
Ang tulang ito ay bahagi ng koleksyon na pinamagatang “Tilamsik ng Haraya“. Mada-download ng libre ang e-book na ito dito sa aming website.
Ferdie L. Eusebio
Latest posts by Ferdie L. Eusebio (see all)


Leave a Reply