Ang Bunga
At nalaglag na nga
ang bunga sa lupa
nang yugyugin ng hangin
ang punong malilim.
Ang bungang pumatak
ay ‘di agad nabiyak.
Nang aking lapitan
at usisain ang laman:
natagpuan kong bulok –
kahit hilaw ay may uod.
Habang ang isang natira
sa kinakapitang sanga
ay bulok rin kahit maliit.
‘Di nahuhulog pagkat ayaw padaig.
Nang aking tingnan
ang munting bunga nang malapitan:
mga uod sa paligid
ay ayaw siyang bitawan.
Public Domain Image: Apple Worm Bitten Fruit Rotten
Latest posts by Ferdie L. Eusebio (see all)
- Ang K’wento ni T’nalie* - November 15, 2024
- Sa Bubóng ng Pag-asa - November 15, 2024
- Eklipse - November 10, 2022