Author: Ferdie L. Eusebio

Kapirasong Buto

Kapirasong Buto

Kapirasong buto: iyan ang turing sa aking sa iyong tadyang nanggaling Bulaklak sa hardin ng Eden palamuti ang gandang angkin.   Walang ibang sadya kundi maging kapares ng iyong gilas at kisig Maging laman sa iyong bisig at larawan ng iyong titig.   Kapirasong buto…

Video Chat

Video Chat

Ngiti ng pamilya sa Pilipinas ang kanyang umagahan isang araw dito sa mainit na Gitnang Silangan Kahit bihira rito ang mainit na pandesal parang ito na rin ang kanyang natitikman. Sing-init ng kape ang paputol-putol na “i love you” ang siyang babaunin niya papasok sa…

Kandila

Kandila

Libong kandilang nagniningning sa bawat sulok ng daigdig ay tulad ng mapanglaw na mga bituin sa madilim at malamig na papawirin. Lumuluhang mag-isa sa nauupos na mitsa pagkat ang pagliliyab ng umaandap nilang liwanag ay malapit nang mapatid.   Ang hindi nila nababatid, may pag-asang…

Wala Nang Laman Ang Ating Mga Panaginip

Wala Nang Laman Ang Ating Mga Panaginip

Wala nang laman ang ating mga panaginip pagkat maya’t maya na natin itong nasisilip.   Wala nang laman ang ating mga pangarap dahil hindi na tayo marunong maghangad.   Hinahabol na natin ang digital at electronic kahit bangungot na ang kanilang hinahatid.   Wala nang…

Muning, muning

Muning, muning

Muning, muning Huwag kang masasanay na magmasid lamang sa itaas o sa sahig ay mahiga at mag-unat.   Muning, muning Huwag mamihasang mag-abang Sa among nagbibigay ng biyaya dahil ‘di ka nilikha para maging alaga.   Ugaliin mong mag-usisa siyasatin ang mga lungga saliksikin ang…

Bahaghari

Bahaghari

Ang kuwento sa atin ng matatanda: may ginto raw sa dulo ng bahaghari   Ito ang aking sadyang paniniwala kahit ako’y may gatas pa sa labi.   Umaabot ba sa dulo ng daigdig ang bahagharing lumilitaw sa atin   Kaya kayo’y napilitang umalis upang ginto’y…