Author: Ferdie L. Eusebio

Ang Ating Puso

Ang Ating Puso

Puso ay huwag nating ukitin sa punong mangga o akasya pagkat kung ‘yan ay putulin mawawala rin ang ating alaala.   Puso ay huwag nating iguhit sa mga kwaderno at papel dahil kung ‘yan ay mapunit masisira’t malilimot na rin.   Ang marapat nating gawin;…

Dalit ng Gipit (Ang Pag-ibig Sa Panahon ng TRAIN Law)

Dalit ng Gipit (Ang Pag-ibig Sa Panahon ng TRAIN Law)

Aking wallet ay kahawig Nitong pusong umiibig Tangi lamang masisilip: Iyong picture na may punit.   Public Domain Image Empty Wallet

Bulaklak

Bulaklak

  ‘Sang bulaklak ng rosas; nahiyang bumukadkad Nang may masaktang palad sa tinik n’yang matalas.

Pumatay Ako

Pumatay Ako

Pumatay ako ng kulisap Hindi basta lamok o langaw na makulit O anumang kumag na kung kumagat ay masakit Basta insektong hindi ko lang nagustuhan Nang mapadapo sa aking ulunan At iyong kulisap nang aking mahampas Ako’y natuwa’t agad nahimasmasan Dahil hindi uubra ang gayong…

Maging Ang Katahimikan

Maging Ang Katahimikan

Maging ang katahimikan Ay nauumid ang dila Sa kanyang nasasaksihan Kapag gabi ay payapa   Maging ang katahimikan Ay naghahanap ng kausap Habang pinaglalamayan Ang haba ng magdamag   At kung mahahanap niya Ang makikinig na tainga Ano kayang ibibida Ng libo’t isa n’yang istorya?…

Pistang Bayan

Pistang Bayan

Dinumog nila Ang lutong ng ulo Pinapak din Ang nakabuyangyang na katawan Ganito kaligaya Ang mga langaw at uod Sa dinatnan nilang eksena Dito sa nag-aagaw dilim na kalsada.   ‘Di mabilang ang nakidalo Sa salu-salong ito Halos lahat ay nagpipista At nagsasaya Sa kapalaran…