Gagamba
Ba’t ‘di natin tularan
Ang mabunying gagamba?
Ang likha n’yang tahanan
Tinuturing n’yang kanya.
Kanya ang bawat hiblang
Sumasabit sa dahon
Kumakapit sa sanga
Tumutulay sa kahoy.
Kahoy na s’yang tanggulan
At s’yang tahanang aba
S’ya ring ikamamatay
‘Pag kinuha ng iba.
Public Domain image from Pxhere
Ang tulang ito ay bahagi ng koleksyon na pinamagatang “Tilamsik ng Haraya“. Mada-download ng libre ang e-book na ito dito sa aming website.
Latest posts by Ferdie L. Eusebio (see all)
- Ang K’wento ni T’nalie - November 15, 2024
- Sa Bubóng ng Pag-asa - November 15, 2024
- Eklipse - November 10, 2022