Pag-iisa 2
Nag-aanyaya ang mga bituin
Na pagmasdan ang ganda nila sa dilim
Habang ako’y nakahiga sa bakanteng lote
Walang karamay kundi beer na de-bote
At ang buwan sa aking harapan
‘Di ko akalaing sa akin pala nakasubaybay
Matagal pa raw ang eklipse
Kaya’t mag-aaliw daw muna siya ng sarili
Teka muna; akin munang iisipin
Ang huling alak ba’y aking tatagayin?
CC0 Creative Commons Image by Engin_Akyurt
Ang tulang ito ay bahagi ng koleksyon na pinamagatang “Tilamsik ng Haraya“. Mada-download ng libre ang e-book na ito dito sa aming website.
Latest posts by Ferdie L. Eusebio (see all)
- Ang K’wento ni T’nalie - November 15, 2024
- Sa Bubóng ng Pag-asa - November 15, 2024
- Eklipse - November 10, 2022