Author: Ferdie L. Eusebio

Kandilang Tanglaw

Kandilang Tanglaw

Kandilang sinindihan upang baya’y tanglawan ang siya ngayong ilaw sa puntod ng pumanaw. Public Domain Image Candle Light Ang tulang ito ay isa sa mga nagwagi sa Tula Táyo 2021 (kategoryang Tanaga) na inilunsad ng Komisyon sa Wikang Filipino o KWF.

Isda Pa Rin

Isda Pa Rin

Butanding na mahinhin at singlaki ng pating pilitin mang sukatin – isda pa rin ang turing.   Public Domain Image Whale Shark

Sandali’y Natatapos

Sandali’y Natatapos

Sandali’y natatapos, kandila’y nauupos – Araw man na kaytayog tiyak din ang paglubog.   Public Domain Image Sunset

Ang Alak

Ang Alak

Ang alak ay mapait kung ika’y sawi’t gipit, subalit tumatamis kung ika’y umiibig.   Public Domain Image Beer

Aanhin Pa Ang Pakpak

Aanhin Pa Ang Pakpak

Aanhin pa ang pakpak na kaygiting at lapad kung ang tayog ng ulap ay hindi nalilipad?

Alaala Mo’t Ngiti

Alaala Mo’t Ngiti

Ibigin ko mang laging ikaw ay manatili; alaala mo’t ngiti – sadyang nagmamadali.   Public Domain Image Woman on Beach Sunset