Kandila

Kandila

Libong kandilang nagniningning

sa bawat sulok ng daigdig

ay tulad ng mapanglaw na mga bituin

sa madilim at malamig na papawirin.

Lumuluhang mag-isa

sa nauupos na mitsa

pagkat ang pagliliyab

ng umaandap nilang liwanag

ay malapit nang mapatid.

 

Ang hindi nila nababatid,

may pag-asang hatid ang kanilang init

sa mga pusong napapanglaw

at sa mundong pagal na sa paggalaw.

At katulad pa rin ng mga bituin;

ang liwanag nitong abang kandila

ay pirming gabay at tanglaw

ng bumababang mga tala

sa madilim at malamig na papawirin.

 

Public Domain Image Candle Light
Ferdie L. Eusebio
Latest posts by Ferdie L. Eusebio (see all)


Leave a Reply