La Luna del Cráneo

La Luna del Cráneo

Mabuti pa ang buwan,

malayang nagniningning sa kalawakan.

Nakakalabas sa kanlungang langit

at nakakaulayaw ang mga tala

tuwing siya ay naiinip.

Para bang nang-iinggit

sa tuwing ako ay sisilip

sa bintana kong maliit

upang tanawin ang daigdig

na nagkukumot ng dilim.

Ngunit dahil sa kanyang kakulitan,

napagtanto kong di sinasadya

na ang mundo pala ay isang

higanteng sementeryo

at ang ating mga tahanan

ay mga mumunting nitso.

 

Nangangahulugan bang mga zombie na tayo?

 

Sa usad-pagong na takbo ng panahon,

parang batid ko na ang sagot

sa ganyang tanong.

At ang buwang kinaiinggitan

ay bungong nagpapaliwanag

sa nahihimbing nang santinakpan.

 

Royalty Free Image Night Skull from Pixabay


Kung nagustuhan mo ang akdang ito, pakape ka naman!

I-click lamang ang button sa ilalim para magpadala ng kape sa manunulat. Kung walang button na lumabas ay magtungo lamang sa aming Shop page.

Ferdie L. Eusebio
Latest posts by Ferdie L. Eusebio (see all)


Leave a Reply