Lurok

Lurok

Kung ang batong kaytigas

Sa ambon naaagnas

Paano kung mababad

Sa buhos na kaylakas?

 

Di ba’t kahit ang ulap

Sa sintang alapaap

Ay dagling naiiyak

‘Pag damdami’y bumigat?

 

Maging ilat at ilog

Saglit ring natutuyot

‘Pag nagtampo ang agos

Ng daluyang nagdulot.

 

Katulad nga ng buhos

Ng ulan ang pagsubok;

Kung tikatik, magtaklob

Pagkat mamaya’y lurok!

 

Public Domain Image Rainshower
Ferdie L. Eusebio
Latest posts by Ferdie L. Eusebio (see all)


Leave a Reply