Tupada

Tupada

Para tayong mga manok

Na pinagsasabong

Sa malawak na larangang

Kung tawagin ay lipunan.

At ang nagpapakilalang Kristo

Ay may lagim ang ebanghelyo

Na tila hanep na nanunuot

Saan mang dako’t direksyon.

Kung tapos na ang tupada

At nakuha na ang pusta

Tayo ay dadalhin sa katayan

Upang maging pulutan

Ng sabungerong lasing.

Ganito ang trato sa ating

Manok ng bayan kung turingan.

Hangga’t ganito ang ating katwiran;

Isang kahig, isang tuka

Ang laging kapalaran at tadhana

Ng sawimpalad na madla

Sa kulungan niyang bansa.

 

Image Cockfight by Amshudhagar
Ang tulang ito ay bahagi ng koleksyon na pinamagatang “Tilamsik ng Haraya“. Mada-download ng libre ang e-book na ito dito sa aming website.
Ferdie L. Eusebio
Latest posts by Ferdie L. Eusebio (see all)


1 thought on “Tupada”

Leave a Reply